Ang Silangang Imperyong Romano/Imperyo Romano sa Silangan o Imperyo Bisantino ay mga pangalang inilalapat sa Imperyo Romano noong Gitnang Panahon na may kabisera sa Constantinopla (na ngayo’y Istanbul).
Tinutukoy ito ng mga naninirahan dito pati ng mga kalapit na bansa bilang Imperyo Romano (sa Griyego Βασιλεία Ῥωμαίων, Basileía Rhōmaíōn) o Imperyo ng mga Romano o Romania (Ῥωμανία, Rhōmanía). Ang mga emperador nito ang nagpatuloy ng pamamahala ng mga emperador Romano upang panatiliin ang tradisyon at kulturang Griyego-Romano.
Sa daigdig Islamika, higit na kilala ito bilang روم (Rûm "Roma"). Dahil naman sa pananaig ng Griyego sa wika, sa kultura at sa buhay, kilala ito sa Kanluran o Europa noong mga panahong iyon bilang Imperium Graecorum, Imperyo ng mga Griyego. Ang pag-inog ng Imperyo Romano sa Silangan mula sa matandang Imperyo Romano ay isang proseso na nagmula noong ilipat ni Constantino ang kabisera sa Bizancio mula sa Nicomedia, Anatolia (ng kasalukuyang Turquia). Binansagan ang Bizancio ng bagong pangalan - ang Bagong Roma (Nova Roma) o Constantinopla - na nasa pasig ng Bosforus. Pagdatal ng siglo 7 sa ilalim ng paghahari ni Emperador Heraclio, ang mga reporma nito ang nagpabago sa lakas militar ng imperyo. Noong mga panahong ito kinilala ang Griyego bilang opisyal na wika na nagdulot din ng bagong karakter sa imperyo.
Sa libong taon pag-inog ng Imperyo kasama ang maraming balakid at pagkawala ng mga teritoryo, napanatili niya ang sarili bilang isa sa pinakamalakas na pwersa militar, kultural at ekonomika sa buong Europa. Kumalat ang impluwensya nito sa Hilagang Africa at sa Malapit Silangan halos buong Edad Media. Matapos ang huling pagbawi sa ilalim ng dinastiyang Comnena noong siglo 12, unti-unting lumubog ang Imperyo hanggang sa paglupig rito ng mga Turkong Otomano sa Constantinopla at sa mga natitira nitong teritoryo noong siglo 19.
Kuta ng Kristiyanismo ang imperyo at isa sa mga pangunahing lunduyan ng kalakalan ito sa mundo. Ito ang tumulong sa pagtatanggol sa paglusob ng mga Muslim sa kanlurang Europa. Pinatatag nito ang pananalapi sa buong rehiyong Mediterreneo. Malaki ang naging impluwensya nito sa mga batas, sistema politika at kaugalian ng halos buong Europa at Gitnang Silangan. Pinanatili rin nito ang mga gawa sa panitikan at agham ng matandang Grecia, Roma at iba pang mga kultura. Ang katagang “Imperyo Bizantino” ay isang katha ng mga mananalaysay at hindi ginamit noong panahon ng imperyo. Ang pangalan ng imperyo sa Griyego ay Basileia Rhōmaiōn (Griyego: Βασιλεία Ῥωμαίων) — "Ang Imperyo ng mga Romano" – salin mula sa pangalan nito sa Latin na Imperyo Romano (Latin: Imperium Romanōrum); o Rhōmania (Griyego: Ῥωμανία).
Paghahati ng Imperyo Romano
Noong siglo 3, tatlong krisis ang dumagok sa Imperyo Romano: nilusob ito mula sa labas, mga giyera sibil sa loob nito, at ekonomiyang lulugo-lugo at puno ng problema. Humupa ang kahalagahan ng lungsod ng Roma bilang sentro administratibo. Nagtatag ng bagong sistemang administratibo si Diocleciano – ang tetrarkiya. Inagapay niya ang sarili sa isang katulong emperador o Augusto. Ang bawat Augusto naman ay may batang ka-asisteng ampon o Cesar na kasamang namumuno at sa lumaon ay taga-pagmana ng puwesto ng matandang pinuno. Subalit ang tetrarkya ay gumuho nang magbitiw sina Diocleciano at Maximiano. Pinalitan ito ni Constantino I ng dinastikong pagpapamana ng trono. [2]
Inilipat ni Constantino ang Dakila angluklukan ng Imperyo. Nagpalabas din ito ng mga mahahalagang pagbabago sa mga batas sibil at pangrelihiyon..[3] Noong 330, itinatag ang Constantinopla bilang pangalawang Roma (Nova Roma)sa lugar ng Bizancio na nakasadlak sa rutang kalakalan sa pagitan ng Kanluran at Silangan. Nagpuno si Constantino ng mga repormang administratibo na sinimulan ni Diocleciano. Pinatatag niya ang salapi (ang gintong solidus na kanyang sinimulan ay matatag at tunay na hinanap), at binago ang balangkas ng sandatahan. Sa pamamahal ni Constantino, muli nitong natamo ang lakas militar at panahon ng katatagan at kaunlaran.


Mapa ng Imperyo Romano ca. 395, na nagpapakita ng mga diyosis at mga probinsyang pretoriano ng Italia, Illyrico at Oriens (silangan), na halos analogo sa apat na sona ng impluwensay ng mga tetrarko ayon sa reporma niDiocleciano.
Sa ilalim ni Constantino, hindi man naging isang eksklusibong relihiyon angKristiyanismo kung saan nagtamo ito ng pitak sa imperyo sa pagbibigay malaking suporta ng Emperador dito. Itinatag ni Constantino ang palakad para sa mga emperador na hindi ito dapat lumutas sa mga katanungan tungkol sa doktrina, sa halip tatawag ito ng konsilio eklesiyastikong panglahat. Ipinatawag ni Constantino angKapulungan ng Arles at ipinakita niya ang sarili bilang ulo ng Simbahan sa Unang Konseho sa Niseya. .[4]
Maipakikita ang kalagayan ng Imperyo noong 395 sa mga nagawa ni Constantino. Sa katatagan ng dinastikong palakad na kanyang itinatag at nang mamatay ang emperador na si Teodosio I nang taong iyon kanyang maipamamana ang puwestong imperyal na ito sa kanyang dalawang anak na lalaki: kay Arcadio ang Silangan at kay Honorio ang Kanluran.[5] Si Teodosio ang huling emperador na naghari sa buong lawak ng imperyo na ngayo’y nahati.
Nakaiwas sa malaking kahirapan ang Silingan Imperyo kumpara sa Kanluran noong bahagi ng siglo 3 at 4 dahil sa katatagan ng kulturang panglunsod at mainam na mapagkukunan ng pera na ginamit sa pagpapatahimik ng mga barbarong panlabas sa pagbibigay ng suhol at pagbabayad sa mga mersenaryong panlabas. Lalo ring pinatibay ni Teodosio II ang muralya ng Constantinopla na proteksyon nito sa maraming pang paglusob. Hindi napigtas ang muralya hanggang taong 1204. Upang patihimikin ang mga Hunos ng Atila, tinustusan sila ni Teodosio (ng halos 300 kg (700 lb) ng ginto). [6] Moreover, he favored merchants living in Constantinople who traded with the Huns and other foreign groups. Dagdag pa rito, kanyang pinaboran ang mga mangangalakal na naninirahan sa Constantinopla na nakikipagkalakal sa mga Hunos at iba pang panglabas na mga grupo. Pinutol ang napakalaking halagang suhol ng kanyang kahaliling si Marciano. Gayundin, nakatuon na ang atensyon ng Attila sa Kanlurang Imperyo Romano. Nang mamatay siya noong 453, bumagsak ang kanyang imperyo. Sinimulan ng Constantinopla ang masamang relasyon nito sa mga Hunos na nang lumaon ay lalaban bilang mga mersenaryo sa sandatahang-lakas Bizantino. Matapos bumagsak ang Atila, lumaganap ang panahon ng kapayapaan sa Silangang Imperyo habang ang Kanlurang Imperyo ay bumagsak (na karaniwang inilalagay sa taong 476 nang inalis sa puwesto ang Kanlurang Emperador na si Romulus Augustulus ni Odoacer, isang Romanong heneral na may dugong Aleman na hindi na pinalitan ng isang pang tutang pinuno).
]Imperyong Romano ng Silangan, c. AD 480
Upang makuhang uli ang Italia, nakipagnegosasyon ito sa mga Ostrogodo ni Teodorico na namuhay sa Moesia. Ipinadala niya ang godong hari sa Italia bilang magister militum per Italiam (“punong komandante para sa Italia”). Matapos bumagsak si Odoacer noong 493, mag-isang naghari si Teodorico, na nanirahan sa Constantinopla noong kabataan niya, sa buong Italia. Kaya, pahiwatig na sinakop ni Teodorico ang Italia bilang Ostrogotikong kaharian, napanatili ni Zeno bilang paghaharing nominal sa kanlurang lupa habang inalisan nito ang Silangang Imperyo ng mga di masupil na tagasunod.
Noong 491, naging emperador si Anastasio I, isang matandang opisyal sibil na tubong Romano, ngunit sa pagdatal lamang ng 498 nang tunay na natugunan ng mga pwersa ng bagong emperador ang taga-Isaurio. Ipinakita ni Anastacio na siya isang matikas ng tagapagbago at mahusay na administrador. Napabuti niya ang sistema ng pananalapi ni Constantino I sa pagtatakda ng timbang sa tansong follis, ang perang ginagamit sa pangaraw-araw na transaksyon. Kanya ring binago ang sistema ng buwis at tuluyang inalis ang kinamumuhiang buwis na chrysargyron. Ang Panalapiang Estado ay naglalaman ng malaking halaga ng ginto - 145,150 kg (320,000 lbs) nang siya ay mamatay.
]Ang Pagbawi ng mga rehiyon sa Kanluran


Ang paglaki ng Imperyo sa pamamahala ni Justinian I.
Si Justiniano I, na nakuha ang trono noong 527, ay nag-ambisyon na mabawi ang mga dating territoryo ng Imperyong Romano. Siya ay isang anak ng Illyrian na mahirap lamang, pero siya ay nagkaroon na ng impluyensa sa pamamahala ng tito niya, si Justin I (518–527).[7]Lumitaw ang isang kaguluhan sa kanyang pamamahala, ang Nika Revolt, pero hindi naging matagumpay ang mga nag-alsa na mapatalsik siya. Dahil dito, lalo pang lumakas ang kapangyarihan ni Justiniano. [8]
Ang pagsalakay sa Kanluran ay nagsimula noong 533, kung saan pinadala ni Justinian ang kanyang heneral na si Belisarius para makuha ang Hilagang Aprika mula sa mga Bandalo (Vandals) dala ang mga sundalo na aabot sa 15,000 katao. Naging matagumpay ang ekspidisyon, pero tumigil lamang ang resistensya ng mga tribo noong 548. Noong 535, isang maliit na Bisantinong ekspidisyon na pinadala sa Sicily ay madaling nagtagumpay, pero pinalakas ng ma Goth ang kanilang resistensya, kaya noong 540 lamang nagtagumpay ang imperyo, kung saan kinuha ni Belisarius ang Ravenna, pagkatapos mabawi ang Naples at Roma. [9]
Si Justinian ay naging tanyag dahil sa kanayang pag-aayos ng Batas Romano sa tulong ni John the Cappadocian[10] . Sinimulan ng huli noong 529 ang komisyon (10 tao) na ayusin ang sinaunang Batas Romano, kung saan ginawa ang bagong Corpus Juris Civilis, isang koleksyon ng mga batas na tinawag na "Justinian's Code".[baguhin]
Sa pagkamatay ni Justiniano I noong 565, ang kanyang tagapagmana, si Justin II ay hindi nagbayad ng tribute sa mga Persyano. Binawi din ng mga Lombard ang Italya, sa katapusan ng siglo, isang bahagi na lamang ng Italya ang nasa kamay ng Imperyo.
Alexios I Kommenos at ang Unang Krusada


Mapa ng imperyo bago ang Krusada.
Pagkatapos ng ilang siglo ng paghina ng Ekonomiya ng imperyo, isang muling-paglakas ang naganap na itinuring na restorasyong Komneniano dahil sa mga ginawa ng emperador noong panahon ng Dinastiyang Komnenian. Si Alexios I Komnenos ay nagkaroon ng problema sa mga pag-atake ng mga Normano kung saan kinuha ng huli ang Dyrrhachium at Corfu, at binantaan ang Larissa sa Thessaly. Ang kamatayan ng normanong lider na si Robert Guiscard's noong 1085 ay pansamantlang pumigil sa problema. Sumunod din ang pagkamatay ng Sultan ng Seljuq sultan died, at bumagsak ang Sultanato. Tinalo ni Emperador Alexios ang mga Pechenegs sa Labanan sa Levounion noong 28 Abril 1091.[11] Nagawa niyang ibalik ang kapayapaan sa Kanluran ng imperyo. Ang kanyang apela sa Kanlurang Europa (lalo na sa Santo Papa) para sa tulong laban sa mga Turko ang siyang hudyat para masimula ang mga Krusada.
]Ika-apat na Krusada at ang Paghina ng Imperyo
Ang ika-apat na Krusada ay pinasimulan ni Papa Innocent kung saan dapat labanan ng mga Krusaders ang Ehipto. Pero, noong Abril 1204, ang mga Taga-Krusada ay Ninakawan ang Constantinopla, ang kabisera ng imperyo. Dahil dito, tuluyan nang naghiwalay ang Simbahang Katoliko at ang Simbahang Orthodox. [12]


Ang mapa ng Latin Empire (at mga vassal) at ng mga natirang estado ng imperyo:Imperyo ng Niseya, Imperyo ng Trebizond at Despotado ng Epirus.
Pagkatapos ng pagsalakay at pagnakaw sa Constantinopla noong 1204, ang mga natirang estado ng imperyo: Imperyo ng Niseya at Despotado ng Epirus ang naitatag. Ang Imperyo ng Trebizond ay itinatag ilang linggo bago ang pagsalakay sa Constantinopla. Ang Imperyo ng Niseya, ang pinakamalapit sa Constantinopla ay nahirapan at unti-unting naubos ang territoryo sa timog Anatolia. [13] Ang paghina ng Sultanado ng Rûm dahil sa pagsalakay ng mga Mongol ay siyang nagpahina rin sa mga Bizantino sa Asya Minor. [14] Pero, dahil sa Pagsalakay ng mga Mongol, medyo napahinga ang Nicaea sa pagsalakay ng mga Seljuk.
Muling nabawi ng Imperyo ng Niseya ang Constantinopla mula sa mga Latin noong 1261 at tinalo ang Epirus. Ito ay nagdulot ng muling pagkabuhay ng katanyagan ng Ekonomiyang Bizantino sa pamamahala ni Michael VIII Palaiologos. Maraming proyekto din ang sinimula para ayusin ang mga nasira sa kabisera dulot ng ika-apat na Krusada. Pero, unti-unting naubos ng mga ghazi ang teritoryo sa Asya Minor.
Digmaang Bizantino-Ottomano at ang Pagbagsak ng Constantinopla
Muling nalugmok sa kahirapan ang imperyo dahil sa 6-taon digmaang sibil pagkatapos ng kamatayan ni Andronikos III. Unti-unting kinuha ng lumalakas na mga Ottomanang mga territoryo sa Serbia; isang lindol sa Gallipoli noong 1354 ay naging daan para makuha ito ng mga Ottoman. [15]


Eastern Mediterraneano bago ang Pagbagsak ng Constantinopla.
Ang mga emperador ay humingi ng tulong sa kanluran, ngunit ayon sa Papa, magpapadala lamang sila ng tulong kung muling mag-kaisa ang dalawang simbahan.[16]Ang kaunting tulong at pagpadala ng sundalo ng kanluranng Europa ay hindi naging sapat upang matalo ang malakas na Imperyong Ottoman.Ekonomiya
Ang kabisera na Constantinople ay hindi na mataao. Isa na lang itong hindi-mataong lungsod na pinaliligiran ng mga taniman at mga abandonadong gusali. Noong 2 Abril 1453, ang Ottoman Sultan Mehmed II ay lumusob sa kabisera na may 80,000 sundalo. [17]. Tuluyan nang bumagsak ang kabisera noong 29 Mayo 1453. Ang huling emperador, Constantine XI Palaiologos, ay huling nakita na tinanggal ang imperyong kasuotan ay nakipaglaban sa mga turko.[18]Pagkatapos ng pagbagsak ng imperyo, sinakop ni Mehmed II ang mga natirang Griyegong lupain ng Mistra noong 1460 at Trebizond noong 1461.


Solidus ni Justiniano II, sa pangalawang pag-upo, matapos ang 705.
Pinakamaunlad ang ekonomiyang Bizantino sa Europa at Mediteraneo sa maraming siglo. Hindi napantayan ng Europa ang lakas pang-ekonomika nito hanggang sa dakong huli ng Edad Media. Pangunahing sangangdaan sa kalakalan ang Constantinopla nang maraming panahon na umaabot sa buong Eurasya at Hilagang Africa. Ito rin ang pangunahing katapusan sa kanluran ng tanyag na Daang Seda. Binabanggit ng ilang eskolar na bago pa man dumating ang mga Arabe noong siglo 7, pinakamalakas na ekonomiya na sa buong mundo ang Imperyo. Subalit, ang pananakop ng mga Arabe ay nagdulot ng malaking pagbabago ng kapalaran na nagpahupa at nagpalubog rito. Ang mga reporma ni Constantino V (c. 765) nagpasimula ng pagbabagong sigla sa ekonomiya na nagpatuloy hanggang 1204. Mula siglo 10 hanggang the katapusan ng siglo 12, ipinamalas ng Imperyo Bizantino ang karangyaan niya. Ang lahat ng manlalakbay ay humanga sa mga nalikom na kayamanan nito sa kabisera. Ang lahat nang ito ay nagbago sa pagdating ng ika-apat na Cruzada na nagpabagsak sa kanyang ekonomiya. Sinubukang buhayin ang ekonomiya ng Palaiologoi subalit wala na silang kontrol sa mga puwersang ekonomika sa loob at labas ng bansa. Unti-unti ring nawala ang impluwensya nito sa mga kaparaanan ng kalakalan at paghahalaga, at kontrol sa pagluluwas ng mga mamahaling metal at ayon sa ilang eskolar pati na rin sa paggawa ng salapi.
Kalakalan ang isa sa mga pundasyong ekonomiko ng imperyo. Sinasabing ang mga hinabi (tela) ay pinakamahalagang bagay sa kalakalan. Ang seda ay iniluluwas sa Ehipto gayundin sa Bulgaria at Kanluran. Mahigpit na kontrol ng estado ang kalakalang panloob at panlabas nito. Sila lamang ang gumagawa ng salapi. Pormal na hawak at kontrolado ng gobyerno ang patubuan ng salapi at sa pagtataktada ng mga reglamento sa mga sindikatong pangkalakal at mga korporasyon kung saan may interes ito. Sa mga panahon ng krisis, nakikialam ang emperador at mga opisyal nito upang siguraduhin na sapat sa mga materyales ang kabisera at mababa ang halaga ng mga ani. Sa huli, ang mga sobrang kalakal ay kinakalap ng gobyerno sa pamamagitan ng buwis at ibinabalik ito sa sirkulasyon bilang suweldo ng mga opisyal ng estado o porma ng investment sa gawang pambayan.[19]
Jackpot City Casino Review 2021 - Bonuses, Games & Bonus
TumugonBurahinJackpot City Casino Bonuses: 50 free spins to Play at Jackpot หาเงินออนไลน์ City Casino for Real It's a modern and modern online casino that offers some choegocasino of the most famous Casino Promotion: 인카지노 JackpotCity Casino